Unang araw ng registration at validation ng COMELEC Dagupan, dinagsa

Dinagsa ang tanggapan ng Commission on Elections o COMELEC Dagupan sa unang araw ng pagbubukas ng registration at validation ng mga botante bilang paghahanda sa 2016 election.

Sa panayam ng sonhineradio, sinabi ni COMELEC Officer Atty. Ericson Oganiza, na ito ang unang pagkakataon na nakapagtala sila ng malaking bilang ng mga nagparihistrong mga botante.

Batay sa tala ng ahensya, limanpu’t lima ang nagpatala sa new registration, labing isa sa transfer of registration, labing isa sa re-activation, at labing apat sa change of status at animnapu sa validation.

Inaasahan naman ni Oganiza na magtutuloy-tuloy ang dagsa ng mga taon para sa kanilang registration at validation.

Speak Your Mind

*