US Citizens sa Libya, ililikas na bunsod ng nagpapatuloy na kaguluhan

Naka-antabay na ang amerika sa paglikas sa mga US Citizens sa Libya sa gitna ng umiigting na kaguluhan sa nasabing bansa.

Ayon sa mga US Defense Officials, walong mga eroplano na ang naka-standby sa Italy na siyang maglilikas sa mga Amerikano sa Libya kung kailangan.

Ipinadala na rin sa Naval Base sa Sigonella, Italy ang 200 mga US Marines na siyang magsasagawa ng evacuation.

Na batid na kahapon ay dalawa ang patay habang 66 ang sugatan nang lusubin ng mga militia groups ang kabisera na Tripoli.

Speak Your Mind

*