Vocational at Technical Courses, lamang sa mga propesyunal na natanggap sa trabaho ayon sa DOLE

Mas marami umano ang mga nagtapos sa Vocational at Technical Courses kaysa sa mga propesyunal, ang natanggap sa trabaho sa isinagawang job fairs ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ito ang ipinahayag ni Engracio Bailon, ang chief ng DOLE District Office ng Central Pangasinan, kung saan 85 percent mula sa mahigit tatlong daang job seekers na agad nakakuha ng trabaho, ay mga graduates ng tech-voc courses habang ang labinlimang porsyento ay mula sa ranggo ng mga propesyunal.

Isa rin sa obserbasyon ni Bailon ang maraming kaso ng job mismatch o hindi naitutugma ang kakayahan ng aplikante sa trabahong inaalok ng kumpanya.

Kabilang dito ang mga guro at registered nurses na napilitang tanggapin na lang ang trabahong “promodizers”, salesmen at sales ladies para lang matanggap sa trabaho.

Speak Your Mind

*