VP Jejomar Binay, ipinanawagan na isabuhay ang natutunan sa scouting sa Pangasinan

Ipinanawagan ni Vice President Jejomar Binay sa tatlong libong scouts na kalahok sa 6th National Venture Camp, na isabuhay ang natutunan sa scouting at gamitin para tulungan ang mga kababayan na maging mas mabuting mamamayan.

Si Binay ang naging panauhing pandangal sa pagtatapos ng national camping na umano’y kagagaling pa sa Amerika.

Binigyang diin ni Binay ang tatlong bagay na mahalaga sa scouting – ang katalinuhan ng mga Boy Scouts; ang pagiging bayani ng mga volunteers at mga pinuno; at katagumpayan ng bawat pagkilos.

Pinasalamatan din ni Binay ang Provincial Government sa buong pagsuporta sa nasabing event at pinarangalan nito ang “Exemplary Leadership” ni Gov. Amado T. Espino Jr.

Speak Your Mind

*