Walk Campaign ng COMELEC, magsisimula sa Sison sa Mayo a-beynte uno

Dahil nanganganib na hindi makaboto ang mga botante na hindi makapag-validate ng kanilang registration sa biometrics system, isinusulong ng COMELEC ang kanilang Walk Campaign.

Ito ay pangungunahan ni COMELEC Director James Jimenez,  simula sa lungsod ng Laoag sa Mayo a-sais hanggang sa buwan ng Hulyo na magtatapos sa lalawigan ng Sorsogon.

Dadaanan naman ang grupo ni Jimenez sa kanilang Walk Campaign sa lalawigan ng Pangasinan sa Mayo a-beynte.

Sisimulan ito sa bayan ng Sison sa Mayo a-beynte uno papuntang Urdaneta City, at sa Mayo a-beynte dos ay magsisimula naman ang paglalakd ng grupo sa lungsod ng Urdaneta papuntang Tarlac.

Layunin nitong matiyak na maisusulong ang voters’ registration at maiwasan ang hindi makaboto sa 2016 elections.

Speak Your Mind

*