Worldwide Polio Alert, idineklara ng WHO

Idineklara ng World Health Organization (Who) na International Public Health Emergency na ang pagkalat ng sakit na Polio na mabilis ang paglaki ng bilang ng mga biktima.

Batay sa babala ng WHO, aabutin ng tatlong dekada bago masolusyunan ang pag­laki ng bilang ng mga nagkakasakit ng polio na maaaring mapigil sa pamamagitan ng vaccine.

Dumadami umano ang ebidensiya na ang mga biyahero ang isa sa mga dahilan sa pagkalat ng virus.

Karamihan sa mga apektado ay ang mga bata na wala pang limang taong gulang.

Tinukoy din ng who na sa 10 mga bansa sa Asya, Africa at gitnang silangan ay may mataas na kaso ng polio na kinabibilangan ng Pakistan, Syria at Cameroon.

Speak Your Mind

*