Wowie de Guzman, ginagamit umano ang pagkamatay ng kanyang asawa para muling sumikat

Hindi pa rin maka-move on ang dating matinee idol at universal motion dancers member na si Wowie De Guzman matapos ang maagang pagkawala ng kanyang wife na si Sherryl Ann Reyes.

Say ni Wowie, hindi madali para sa kanya at sa parents ni Sherryl na mag-move kaagad.

Isang buwan pa lang matapos ipanganak ni Sherryl ang panganay nila ni Wowie nang bigla nitong bawian ng buhay nitong April 26.

Pagkalibing ni Sherryl Ann ay marami na kaagad lumutang na intriga kay Wowie tulad ng umano’y paggamit niya sa death ni Sherryl para umingay ulit ang kanyang name.

Sagot naman ni Wowie, bakit niya raw gagamitin ang pagkamatay ng kanyang asawa para sumikat lang ulit?

Ayon sa aktor, nalulungkot siya na naiisip pa ng ibang tao ang ganung mga bagay habang nagluluksa ang mga mahal sa buhay ni Sherryl Ann.

Say ni Wowie, wala siyang ibang gagawin sa ngayon kundi ang pagsikapang buhayin ang baby girl nila ni Sherryl na si Alexandria Rafael.

Speak Your Mind

*