Zipline sa bayan ng Balungao, tiyak na magpapalakas ng turismo sa Pangasinan

Inaasahang magdadala at magpapalago ng turismo sa lalawigan ng Pangasinan ang pagbubukas ng bagong Longest Zipline in Asia, ang Balungao Hilltop Adventure.

Ito ang inihayag ni Provincial Tourism Officer Malou Elduayan, sa panayam ng sonshineradio.

Ayon kay Elduayan, malakas ang hatak sa mga turista ang mga pasilidad na tulad ng zipline dahil ito ay nagbibigay ng more excitement event at hindi malilimutan ng mga bisita.

Sa naturang proyekto, sinabi pa ng Tourism Officer na mayroon nang attraction pang world class facility na maaaring ialok ng Pangasinan sa mga local at foreign tourist.

Nangako naman ang Provincial Tourism Office na tutulong sa pagpo-promote ng zipline na itinuturing na pinakabagong tourist distination sa Pangasinan.

Speak Your Mind

*