10 bayan sa Eastern Pangasinan, nabiyayaan ng mga certified seeds at fertilizers

Sampung bayan sa Eastern Pangasinan ang tumanggap ng tig-isang daang sako ng certified palay seeds, tig-dalawang daang sako ng urea fertilizer, tig-dalawang daang sako ng complete fertilizer at tig-isang libong sako ng organic fertilizer.

Ito’y sa ilalim ng Agricultural Technology Enhancement Subsidy and Loan Assistance Program ng Provincial Goverment at layuning mapataas ang agricultural productivity.

Kabilang dito ang mga bayan ng Sta. Maria, Rosales, Balungao, Asingan, San Manuel, San Quintin, Umingan, Tayug, Natividad, at San Nicolas Pangasinan.

Binigyang diin ni Gov. Amado Espino Jr., na hindi lang ang mga farming techniques ang kailangang matutunan ng mga benepisaryong magsasaka kundi maging responsable din sa pagbabayad ng ipinahiram na materyales sa kanilang mga sakahan.

Pinangunahan naman nina Gov. Espino, Board Member Alfonso Bince, Jr., Board Member Amado “Pogi” Espino III at OPAG Officer-In-Charge Dolly Moya, ang pamamahagi sa mga nasabing farm inputs.

Speak Your Mind

*