17-Day basic tennis clinic sa Pangasinan, nagtapos na

Pinangunahan ni Governor Amado T. Espino, Jr. ang pagbibigay ng mga Certificates of Completion sa mahigit tatlumpung tennis players na sumailalim sa 17-day basic tennis clinic na ginanap sa Narciso Ramos Sports and Civic Center sa bayan ng Lingayen Pangasinan.

Ang nasabing aktibidad ay pinangasiwaan ng Lingayen Tennis Club na nagturo ng basic lesson and skills ng larong tennis.

Ito ay bahagi pa rin sa Sports Development Program ni Governor Espino, sa layuning maisulong ang magandang lifestyle lalo na sa mga kabataan at upang mailayo din sila sa mga masasamang gawain.

Ang probinsya ay may pang-world class na sports facilities kaya ito ay gamitin lalo na sa mga Pangasinense at huwag sayangin ang pagkakataon na tayo ay maaaring magpakadalubhasa sa larangan sports.

Speak Your Mind

*