250 punong kahoy, isasalba ng DENR sa road widening project sa McArthur highway

Nasa 250 na lamang na punong kahoy mula sa 1800 ang isasalba ng Department of Environment and Natural Resources o DENR sa kahabaan ng McArthur highway sa Rosales-Sison Pangasinan.

Ito ayon kay Director Samuel Peniafiel ng DENR Region 1 matapos balansehin ng ahensiya ang pangangailangan ng DPWH na palawakin ang kalsada at daing ng mga ibat ibang Non-Government Organizations na kumukontra sa proyekto ng DPWH.

Ipinaliwang ni Peniafiel na ang 250 na punong kahoy ay nasa pinaka gilid na ng kalsada at maaaring hindi na ito sagabal pa sa magandang daloy ng trapiko.

Nilinaw naman ng opisyal na bagaman nabalatan na ng contractor ang ilang bahagi ng mga nasabing puno ay maaari pa itong mabuhay dahil hindi umano malalim ang sugat ng mga ito.

Speak Your Mind

*