3 bayan sa Pangasinan, ipinagbabawal na ang pagbebenta at pagbili ng itlog na maalat

Sumunod na rin ang bayan ng Villasis, Pangasinan sa pagbabawal ng pagbebenta at pagbili ng itlog na maalat matapos na anim na katao ang isinugod ospital sanhi ng pagkain nito.

Una nang inihayag ng bayan ng Tayug at Sta. Maria, ang pagbabawal ng pagbebenta ng itlog na maalat (salted egg) nang 40 katao ang itinakbo sa pagamutan dahil sa food poisoning.

Ayon sa mga biktima, nakabili sila ng nasabing salted egg sa ambulant vendor na nagbabahay-bahay at matapos nakakain ay nakaranas na sila ng pagsusuka, pagkahilo at pananakit ng tiyan.

Mula noon, ipinagbawal ng Municipal Health Center ng Villasis ang pagbili at pagkain ng itlog na maalat.

Speak Your Mind

*