5-Day Seminar Workshop, isinasagawa ng PNP Regional Office

Isinasagawa ngayon  ang limang araw na seminar-workshop on E-projects, performance audit at validation para sa mahigit anim na raang kalahok mula sa hanay ng kapulisan sa Region 1.

Ang nasabing aktibidad ay ginanap sa Ariana Hotel sa Paringao Bauang La Union sa pangunguna ni Region 1 Police Director Chief Superintendent Roman A. Felix.

Ayon kay PC/Supt. Felix, kailangan umanong ma-refresh ang kaalaman ng mga pulis sa proseso ng pagtatala ng mga krimen sa police blotter at database ng crime incident reporting system na kailangan para mapabilis ang pagtugis sa mga kriminal.

Ang seminar workshop ay inisyatibo ng Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM) na nakabase sa Camp Crame.

Kabilang sa mga kalahok ang mga Provincial Directors, mga Hepe ng Provincial Investigation and Detective Management Branch, Chiefs of Police, mga Imbestigador sa bawat himpilan, Crime Registrars, at lahat ng mga E-warrants Police Non-Commissioned Officers.

Speak Your Mind

*