Aangkating bigas, ilalaan ng NFA sa panahon ng kalamidad

Nakalaan sa panahon ng kalamidad ang aangkating bigas ng National Food Authority o NFA.

Ito ang nilinaw ni NFA Spokesperson Rex Estoperez, sa gitna ng posibilidad na bayuhing muli ng sunod-sunod na bagyo o patuyuin ng husto ng El Nino ang mga taniman ng palay sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Ayon kay Estoperez, pinaghahandaan na ng pamahalaan ang posibleng maging epekto ng mga sama ng panahong tatama sa Pilipinas sa mga susunod na buwan kaya’t pinaplano na itong mag-imbak ng bigas.

Ani,  Estoperez, ngayong lean months may ini-import na dalawan daang libong metriko toneladang bigas ang darating sa Pilipinas mula sa bansang Vietnam.

Speak Your Mind

*