Abot Alam Program ng DepEd, patuloy na inaabot ng mga Out of School Youth ng Dagupan

Magiging daan umano ang “Abot Alam Program” ng Department of Education (DepEd) para maabot ang mga Out of School Youth (OSY) hanggang sa kasuluk-sulukang barangay upang maibalik sa pag-aaral.

Sinabi ni Alternative Learning System Program Supervisor Dr. Liberty Roxas, na ang mga Out of School Youth na hindi nakapagtapos ng pag-aaralan ay sasailalim sa pamamahala ng Local Government Units, Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at ang iba pang concern agencies.

Ayon pa kay Roxas, ang mga Out of School Youth na sasailalim ng Alternative Learning System Program ng DepEd ay hindi na kailangan ng formal school dahil sa mga barangay lamang ito ipapatupad habang kung sa ibang agencies naman tulad ng TESDA ay mag-aalok ng Vocational Courses.

Sa Abot Alam Program aniya ay malalaman ang lahat ng mga OSY na walang kakayahan makapag-aral dahil sa kawalang ng pera ay lalaanan din ng scholarship sa ilalim pamamahala ng LGU’s.

Speak Your Mind

*