Alaska aces, pasok narin sa semi-finals ng 2014 PBA Governor’s Cup

Umabante na rin sa semi-finals ng 2014 PBA Governor’s Cup ang Alaska Aces.

Tinalo ng Alaska sa pamamagitan ng kanilang twice to beat advantage ang Barangay Ginebra San Miguel Gin Kings sa quarter-finals sa score na  92-81, sa Araneta Coliseum.

Kumamada ng 15 points si Jayvee Casio para sa Aces habang nagpakawala ng 18 points si Gin Kings Big Man Japeth Aguilar.

Makakalaban ng Aces sa semi-finals ang Rain or Shine Elasto Painters, sa The Big Dome bukas habang magbakbakan mamayang gabi  ang Talk and Text Tropang Texters at San Mig Coffee Mixers, sa nabanggit na venue.

Speak Your Mind

*