Algieri, nangunguna na sa listahan ng mga makakatunggali ni Pacquiao

Naghahamon ngayon ang bagong WBO Light Welterweight Title-Holder na si Chris Algieri ng laban kay 8-division at WBO Welterweight Champion Manny Pacquiao!

Undefeated ang ipinagmamalaking record ni Algieri kaya’t malakas ang loob nitong maghamon sa pambansang kamao!

Maugong ang balitang makukuha niya ang pinapangarap na laban dahil isa rin itong magandang pagkakataon para kay Pacquiao sakaling masira niya ang malinis na rekord ni Algieri.

Nauna nang sinabi ni Top Rank Promotions Big Boss na sinumang manalo sa labang Cris Algieri at Ruslan Provodnikov ang siyang makakaharap ni Pacquiao sa susunod nitong laban sa Nobyembre.

Bago naging professional boxer ay isang dating wrestler at kickboxing champion ang amerikanong si Algieri.

Speak Your Mind

*