ALS ng DepEd Dagupan, nanguna sa Region 1 sa pinaka-maraming nakapasa sa accreditation at equivalency test

Nanguna ang Alternative Learning System (ALS) ng DepEd Dagupan sa may pinaka-maraming accreditation at equivalency test sa buong Rehiyong uno.

Ayon kay ALS Program Supervisor Dr. Liberty Roxas, na naitala na DepEd Dagupan ang apatnaraan tatlumpot tatlo (433) mula sa limang daan dalawumput walong Out of School Youth ang pumasa mula nang pasimulan ang program noong nakaraang taon.

Sinabi pa ni Roxas na ang mga Out of School Youth ay kailangang dumaan muna sa functional literacy test upang maditermina ang level ng kanilang kaalaman, mapa elementary o high school ito.

Oras ani Roxas na maipasa ang accreditation at equivalency test ay maaari na silang makakuha ng diploma at maaari nang umakyat sa mas mataas na level o maaari ng kumuha ng vocational courses o anumang kurso sa kolehiyo.

Speak Your Mind

*