Angeli Bayani, nasungkit na best actress award sa Gawad Urian

Hindi makapaniwala ang Theater at Independent Film Actress na si Angeli Bayani matapos masungkit ang best actress award sa ginanap na 37th Gawad Urian.

Nanalo si Bayani para sa pagganap nito sa pelikulang “Norte, Hangganan ng Kasaysayan” at tinalo nito ang mga heavy favorites gaya nina Nora Aunor (“Ang Kuwento ni Mabuti”) at Vilma Santos (“Ekstra”).

Ayon kay Bayani, alay niya ang tropeyo sa kapwa nito nominado at isang karangalan na maihanay sa mga bigating aktres sa film industry.

Kung maaalala, si Bayani ay ang nag-iisang pinoy na naging nominado sa 56th Asia-Pacific Film Festival.

Speak Your Mind

*