Apat na exit points, maaring daanan ng mga pinoy sa Libya – DFA

Tinukoy na ng Department of Foreign Affairs ang apat na exit points na maaring daanan ng mga pilipino sa paglilikas mula sa Libya.

Ito’y sakaling magsara ang mga paliparan sa Tripoli at Benghazi bunsod ng lumalang sitwasyon doon.

Sinabi ni DFA Spokesperson Charles Jose na kabilang sa apat na  exit routes na maaring gamitin ng mga pinoy ay  ang   Egypt at Tunisia kung by land habang Malta at Greece naman kung dadaan sa dagat.

Patuloy namang nananawagan ang DFA sa mga pilipino sa Libya na lumikas na sa lalong madaling panahon habang bukas pa ang mga paliparan para makauwi sa Pilipinas.

Itoy matapos maitaas sa crisis alert level three ang  Libya kung saan ipinapatupad na ang voluntary repatriation  para sa mga pilipino doon.

Speak Your Mind

*