Ariella Arida, binasted na si Ervic Vijandre dahil marami pa daw priorities

Tuluyan nang binastes at mananatiling ‘friends’ lang daw sina Ariella Arida at Ervic Vijandre.

Ayon pa sa Miss Universe 2013 3rd runner-up, hindi pa siya ready na pasukin ang isang relasyon dahil may iba siyang mga priorities sa ngayon.

Hindi naman daw niya binibigyan ng pag-asa si Ervic dahil alam daw nito na hanggang magkaibigan lang daw sila.

Magtatapos na ang kontrata ni Ara with Bb. Pilipinas inc. sa September, doon pa lang daw sila makakapagplano kung ano ang susunod niyang papasukin na career.

Marami pa daw siyang gustong gawin kabilang na ang pag-arte, pag- hosting tulad nina Venuz at Shamcey Supsup at pasukin ang International Modelling.

Speak Your Mind

*