AUTOPRO-Pangasinan, hindi nakiisa sa isinagawang tigil pasada ng mga transport sector

Hindi nagpatupad ng tigil pasada ang mga transport group sa lalawigan ng Pangasinan na miyembro ng Alliance of United Transport Organizations Province-Wide o AUTOPRO-pangasinan kasabay ng isinagawang transport caravan kahapon.

Ito ay dahil hindi umano nagkaroon ng tamang koordinasyon sa samahan ng mga jeepney driver at operator sa lalawigan kung makikiisa sila sa transport caravan na isinagawa sa buong bansa.

Ngunit ayon kay AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino, hindi nangangahulugan na ito ay pagsang-ayon nila sa pagpapatupad ng mas mataas na multa sa mga mahuhuling kolorum na mga pampublikong sasakyan.

Angal pa ni Aquino, masyadong malaki ang penalties na ipapataw na P50,000 sa mga mahuhuling driver at jeepney operator na nagmamay-ari ng kolorum na sasakayan  dahil hindi umano ito kaya ng mahihirap ng mga tsuper

Speak Your Mind

*