AUTOPRO-Pangasinan, nilinaw na walang pagtaas ng pamasahe sa rehiyon

Nilinaw ng Alliance of United Transport Organizations Province-Wide o AUTOPRO-Pangasinan na hindi kasama ang rehiyong uno sa magpapatupad ng pagtaas ng pasahe.

Ito ang nilinaw ni AUTOPRO-Pangasinan President Benny Aquino dahil una na umanong nagpatupad ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ng limampung sintimo na dagdag pamasahe ngunit hindi lamang umano naipapatupad.

Bunsod nito, nananawagan si Aquino sa lahat ng mga jeepney diver at operator sa lalawigan na mahigpit nang ipatupad ang paniningil ng P8.50 na pamasahe sa kanilang mga pasahero.

Umapela naman ang AUTOPRO-Pangasinan President sa mga pasahero na magbayad ng tamang halaga ng pamasahe at huwag magalit sa mga driver kung sisingilin sila ng P8.50 dahil kakarampot nalamang umano ang kanilang kinikita.

Speak Your Mind

*