Azkals, mataas pa rin ang momentum kahit bigo sa AFC Challenge Cup

Determinadong makabawi ang Philippine Azkals matapos ang kabiguan nilang maiuwi ang kampeyonato sa katatapos lamang na 2014 AFC Challenge Cup sa Maldives!

Ayon kay Azkals Coach Thomas Dooley, nakatuon ngayon ang buong koponan ng Azkals sa nalalapit na ASEAN Football Federation Suzuki Cup na gaganapin sa huling bahagi ng taon!

Matatandaang tinalo ng mas agresibong koponan ng Palestine ang Azkals sa score na 1 to nothing!

Bigo man at nanghihinayang na hindi naiuwi ang korona sa AFC Challenge Cup ay nananatili namang mataas ang momentum ng Azkals dahil ‘yun ang kauna-unahang pagkakataon na nakapasok sila sa finals ng nasabing torneyo!

Speak Your Mind

*