Bagong uniporme ng mga Pulis, nagtataglay umano ng Security Features para hindi magaya ng mga kriminal.

Nagtataglay ng Security Features na mahirap magaya ng mga kriminal ang bagong Uniporme ng mga Pulis.

Ito ang sinabi ni Philippine National Police (PNP) Spokesman Chief Supt. Reuben Theodore Sindac.

Idinagdag pa ni Sindac na hinihintay na lamang ng PNP ang pag-aapruba ni Napolcom at Interior and Local Government Secretary Mar Roxas upang maisuot na ng mga opisyal at miyembro ng PNP ang kanilang mga bagong Uniporme.

Sinabi ni Sindac na ipinagmamalaki ng Kapulisan ang bago nitong uniporme na mapusyaw na asul ang pang-itaas at asul rin sa pang ibaba.

Dumaan aniya sa masusing pagsusuri at proseso ang pagpili sa bagong uniporme ng mga Kapulisan.

Bukod dito ay magkakaroon din ng bagong Patrol Uniform ang PNP na sumasailalim pa sa konting pagsasaayos.

Speak Your Mind

*