Bagong website ng LGU San Fabian, bubuksan kasabay sa selebrasyon ng araw ng kalayaan

Kasado na ang paglulunsad ng bagong website ng Local Government Unit ng San Fabian, Pangasinan sa huwebes Hunyo a-dose alas nuebe ng umaga kasabay sa selebrasyon ng araw ng kalayaan.

Ayon kay Marilyn Castillan ang Operation Officer ng San Fabian Computer E-Learning Center, layunin ng pag-lulunsad ng bagong website na mas ipakilala ang turismo ng bayan ng San Fabian.

Pagkakataon umano ito upang maipakita sa publiko ang ipinagmamalaking yamang dagat bayan kabilang na ang magagandang beaches, at yamang lupa tulad ng bulubunduking tanawin sa upland area sa ilang barangay ng San Fabian.

Idinagdag pa ni Castillan na kailangan din ang pagkakaroon ng website upang mapabilis ang information dissimanation sa mga residenteng nasasakupan ng bayan.

Samantala, para sa mga nais bumisita sa bagong website ng San Fabian, i-type lamang ng www.sanfabian.gov.ph.

Speak Your Mind

*