Bagsak na marka, ibinigay ng mga militanteng Kabataan kay Pnoy sa unang araw ng balik-eskuwela

Binigyan ng bagsak na marka ng militanteng grupo ng mga Kabataan ang Pangulong Noynoy Aquino matapos ang patong-patong na problemang sumambulat sa unang araw ng pagbabalik-eskwela ng mga estudyante!

Kinastigo ni Kabataan Partylist Representative Terry Ridon ang Department of Education (Deped) at Department of Budget and Management (DBM) kaugnay pa rin ng malaking pangangailangan sa pondo para sa mga karagdagang pasilidad partikular tulad ng mgaa silid-aralaan sa maraming eskwelahan!

Matatandaang iginiit ng Deped na sapat at kumpleto na ang bilang ng mga silid-aralan sa buong bansa.

Ayon kay Education Assistant Secretary Tonisito Umali, nito lamang Disyembre ng 2013 ay mahigit anim na pu’t anim na libo at walong daang mga silid-aralan ang kanilang naipatayo.

Ito, aniya ay para punan ang kulang na anim na pu’t anim na libo at walong daang silid-aralan sa buong bansa.

Speak Your Mind

*