Banat ng Liberal Party kay Vice President Jejomar Binay, walang basbas ni Pangulong Aquino ̶ Pnoy nananatili ang tiwala kay Binay

Nananatili ang tiwala ni Pangulong Noynoy Aquino kay Vice President Jejomar Binay.

Ito ang tiniyak ni Presidential Communications Sec. Herminio Coloma kasabay ng pagsasabing kampante ang Pangulo sa Loyalty ni Binay.

Ginawa ni Coloma ang pahayag sa kabila ng mga akusasyon ng mga miyembro ng partido Liberal na binibira ni Binay patalikod ang Administrasyong Aquino.

Una nang hinamon ni Caloocan City Rep. Edgar Erice si Binay na magbitiw na sa Gabinete ng Pangulo dahil sa pagiging kritiko nito sa Administrasyon.

Ayon kay Coloma, karapatan naman ni Erice na maghayag ng kaniyang opinyon at wala ring balak ang palasyo na pagsabihan ito na tigilan na si Binay.

Speak Your Mind

*