Bangkang sinasakyan ng mga Indonesian illegal immigrants, lumubog…, 66 katao, nawawala

Pinaniniwalaang nalunod ang may 66 Indonesian illegal immigrants na nawawala makaraang lumubog ang sinasakyang bangka sa karagatan sakop ng malaysia.

Ayon kay Mohamad Zuhri, tagapagsalita ng Malaysian Maritime Enforcement Agency (MMEA), isang helicopter at limang sasakyang pandagat ang naghahanap sa mga nawawalang Indonesian na naglaho sa dilim habang lumulubog ang sinasakyang bangka ng mga ito.

Nabatid na aabot sa 31 ang nailigtas ng mga nagrespondeng tauhan ng mmea na agad na nagresponde matapos makatanggap ng distress signal.

Sinasabing tinangkang pumasok ng mga indonesian sa Malaysia sa pamamagitan ng iligal na pagtawid sa Malacca Straits.

Speak Your Mind

*