Barangay Tulong Hanap Buhay Program, malaking tulong sa PESO

Nagiging daan umano ang programa ng Pangasinan Employment Services Office o PESO na “Barangay Tulong Hanap Buhay Program” upang mamonitor ang mga Overseas Filipino Workers o OFW na Pangasinense na nasa bansang Iraq.

Ayon kay PESO Manager Alex Ferrer, sa tulong ng naturang programa ay mismong ang pamilya ng mga OFW ang boluntaryong nag-iikot sa kada barangay para makuha ang impormasyon ng mga OFW na nasa ibang bansa.

Dagdag pa ni Ferrer, layunin din nito na mapalakas ng kanilang kampanya laban sa mga illigal recruitment at human tracfficking, katuwang narin ang ibat-ibang ahensya ng gobyerno kabilang na ang NBI, CIDG, PNP atbp.

Batay naman sa tala ng Pangasinan Peso at DFA, wala pa silang namomonitor na Pangasinense na nasa Iraq ngayon.

Speak Your Mind

*