BAS Pangasinan, iginiit na hindi nila kontrolado ang pagtaas ng presyo ng mga agriculture product

Iginiit ng Deparment of Agriculture – Bureau of Agriculture Statistic (BAS) dito sa lalawigan ng Pangasinan na tanging monitoring lamang sa mga agricultural product ang kanilang trabaho.

Ito ang inihayag ni BAS Provincial Director Rickson Miguel sa isinasagawang KBP forum kahapon kaugnay sa pagtaas ng presyo ng mga agricultural product sa merkado.

Ayon kay Miguel, walang magagawa ang kanyang tanggapan sa kaso ng pagtaas ng presyo ng mga agriculture product sa mga pamilihan tulad sa presyo ng bawag, bigas at luya, dahil wala umanong silang pondo para dito.

Aminado naman si Miguel na natural lamang ang nararanasan ngayong  pagtaaas ng bawang sa lalawigan ng Pangasinan dahil walang sariling produksyon ang probinsya at tanging sa lalawigan lamang ng Ilocos umaasa ng suplay nito.

Speak Your Mind

*