Bayan ng Alaminos mas pinaigting ang pagbibigay serbisyo sa mga turistang bumibisita

Mas pinaigting ngayon ng City Govermnent ng Lungsod ng Alaminos ang kanilang pagbibigay serbisyo bunsod ng inaasahang pagdagsa ng mga turista sa lungsod kabilang na sa Hundred Island National Park.

Ayon kay Alaminos City Information Officer Emilou Galiado, mayroon ng sariling opisina ang tourism office na makikita sa harap  ng City Hall upang agad na makapagbigay serbisyo sa publiko lalo na sa mga turista.

Bukod dito, sinabi pa ni Galiado na mayroon ng tatlong City Information Desk na nakatalaga 24/7 sa nasabing tanggapan habang tatlong LGU’S Staff ang naka-duty mula alas-otso ng umaga hangang alas singko ng hapon.

Samantala, makakamit naman umano ang pagtaas ng turismo sa lungsod kung mapapalakas din ng police visibility kaya’t mga pulis naman aniya ang magbabantay sa tourism office pagsapit ng gabi.

Speak Your Mind

*