Baywalk Streetlight Project sa Lingayen Beachfront, gagamitan ng solar power

Siguradong makaka-attract sa mga turista ang isang novel project sa bayan ng Lingayen, kasabay ng pagsusulong sa paggamit ng indigenous sources ng enerhiya, ang pagpapa-ilaw sa baywalk sa kahabaan ng Lingayen beachfront gamit ang solar power sa bayan ng Lingayen Pangasinan.

Ang solar panel nito na magpapatingkad sa baywalk sa dakong gabi, ay inaasahang itatayo sa ilalim ng Public Private Partnership (PPP) sa pamumuno ng Provincial Government ng Pangasinan.

Ang nasabing proyekto ay nakapaloob sa isang resolusyon na inaprubahan noong Lunes, Hunyo a-dos, sa regular session ng Sangguniang Panlungsod na nagbibigay ng otoridad kay Governor Amado Espino Jr. para pumasok sa isang kasunduan sa tatlong pribadong kumpanya: ang San Roque Power Corporation (SRPC) Team Energy Foundation (TEF) at Trademaster Resources Corporation, na siyang magpapatupad sa solar streetlights project sa baywalk area ng Lingayen beachfront.

Speak Your Mind

*