Bea Alonso, nahihirapang mag-react ‘pag tinatawag na Movie Queen

Hindi raw masyadong iniisip ng aktres na si Bea Alonzo kapag sinasabihang siya na raw ang bagong ‘Queen of Philippine Movies’ dahil hindi raw niya alam kung ano ang dapat niyang maging reaksyon.

Kahit naman daw sino ang bigyan ng ganung “Title” ay tataba ang puso, kayat ayaw niyang isipin dahil baka daw magmukha siyang mayabang or magmukha siyang feeling,”

Masaya lamang daw ang aktres na nabibigyang pansin ang kanyang mga ginawang proyekto. Kayat pinipili na raw talaga ni Bea kung ano ang mga proyekto na kanyang tatanggapin.

At sa kwento ng sana bukas pa ang kahapon, bibigyang-buhay ni Bea ang mga karakter ng dalawang magkaibang babae na pag-iisahin ng kanilang laban sa katarungan.

Ganu’n daw ang Adbokasiya ni Bea, na dapat daw ay lumaban ang lahat ng kababaihan para sa katarungan.

Speak Your Mind

*