BFAR, hindi umano intensyon na sirain ang industriya ng bangus sa Western Pangasinan

Aminado ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na malaki ang naging banta sa industriya ng bangus sa bayan ng Anda at Bolinao Pangasinan, ang namonitor nilang pagbaba ng dissolved oxygen nitong weekend.

Batay sa isinagawang water quality monitoring system ng BFAR-Pangasinan, kritikal ang dissolved oxygen level na 2 meter below sea surface hangang 0.19 Parts Per Million (PPM) kumpara sa normal level na 5 Parts Per Million (PPM).

Ayon kay BFAR Chief Dr. Wesley Rosario, malaki ang posiblidad na magdulot ng fish kill ang pagbaba ng dissolved oxygen na sinabayan pa ng neap tide.

Iginiit naman ni Rosario, na hindi nila nais na masira ang market ng bangus sa pagdedeklara ng banta ng fishkill, kundi ang pag-uutos nila ng force harvest ay upang masagip pa ang mga bangus na maaari pang ibenta.

Speak Your Mind

*