BFAR Pangasinan, tiniyak na malaki ang posibilidad na mapalago ang industriya ng hipon sa bansa

Malaki umano ang posibilidad na mapalago ang industriya ng hipon dahil ang Pilipinas lamang ang natatanging bansa na walang naitatalang report na nakaroon ng sakit ang mga alagang puting hipon.

Una rito, sumailalim sa isang training ang lahat ng mga aquaculturist sa buong bansa sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Pangasinan upang pag-aralan ang teknolohiya ng puting hipon.

Ayon kay BFAR- National Integrated Fisheries Technology Development Center (NIFTDC) Director Dr. Westly Rosario, bagamat isa ang Pilipinas sa bansang hindi madali ang pag-akap sa mga bagong teknolohiya, pero sa puting hipon ay tiyak umano ang kita dahil madali itong alagaan.

Dagdag pa ni Rosario na marami na ang natatanggap na order ang Pilipinas sa puting hipon at patuloy pang lumalakas ng market nito sa buong mundo.

Speak Your Mind

*