Biglaang pagtaas ng presyo ng Bawang sa Merkado, Binubusisi na ng DA

Inaalam na ng Department of Agriculture (DA) ang dahilan ng biglang pagtaas ng presyo ng bawang sa merkado

Nabataid na ang presyo ng bawang ay sumipa na sa 280 pesos kada kilo na kasing mahal na rin ng mga imported na bawang na nasa p290 hanggang p350 ang kilo.

Ayon kay Agriculture Agribusiness and Marketing Assistance Director Leandreo Gazmin, posibleng ang malamig na panahon mula noong Disyembre hanggang Pebrero ang dahilan ng pagmahal ng bawang o di kaya ay dahil sa suplay nito.

Gayunman, hindi iniaalis ng DA ang posibilidad na may manipulasyong nagaganap sa presyo ng bawang, dahil sa hindi naman dapat magmahal ang lokal na bawang dahil ang mga imported na bawang lang ang mataas ang presyo.

Speak Your Mind

*