Bilang ng mga enrollees sa Pangasinan 1 School Division, tumaas

Nakikita ngayon ng Pangasinan 1 School Division na tumaas sa lima hanggang pitong porsyento ang bilang mga enrollees sa elementary at secondary levels sa Primero, Segundo at Ikatlong Distrito ng Pangasinan kumpara sa nakalipas na school year.

Ayon kay Carmina Gutierrez, ang Division 1 Public Information Officer, naitala nila ang 297,532 na enrollees sa elementary school, at 91,243 students sa secondary schools sa tatlong Congressional Districts.

Ito ay maliban pa sa enrolment sa Pangasinani II School Division at mga City School Divisions ng Dagupan, San Carlos, Urdaneta at Alaminos.

Ayon kay Gutierrez, ang sanhi umano ng fluctuating enrollment, ay dahil maraming mga mag-aaral ang palipat lipat ng lugar at eskwelahan mula sa public school papuntang private school at ilan naman ay mula sa private school papunta sa mga public schools.

Speak Your Mind

*