Bilang ng na-food poisoning dahil sa kinaing itlog na maalat, tumataas pa

Tumaas pa ang naitatalang biktima ng umanoy nalason sa kinaing itlog na maalat sa Eastern Pangasinan.

Ayon sa tala ng Department of Health (DOH) Region 1, tig-labing pitong kaso ang naitala ng bayan ng tayug, Sta. Maria, at Villasis, labing isang kaso naman sa bayan ng Rosales, pitong kaso sa bayan ng Sto. Tomas, apat mula sa lungsod ng Urdaneta, tatlo sa bayan ng San Nicolas, at dalawang kaso sa bayan ng Natividad.

Ayon kay DOH Region 1 Assistant Director Dr. Benito Arca, mayroon pang anim na biktima ang nananatili sa Eastern Pangasinan District Hospital sa bayan ng Tayug at siyam sa MHU sa bayan ng Rosales.

Sinabi pa ni Arca na mahalagang matukoy na kung saan nagmula ang itlog na maalat na nakain ng mga biktima upang malaman ang paraan ng kanilang paggawa ng nasabing produkto.

Speak Your Mind

*