Bilang ng pulis, hindi sapat para i-monitor ang buong bansa

Hindi sapat ang kabuuang bilang ng mga pulis para i-monitor ang lahat ng lugar sa buong bansa!

Ito ang inamin ni Senior Superintendent Wilben Mayor, tagapagsalita ng Philippine National Police sa dzar sonshine radio.

Kaya naman hinikayat ni Mayor ang mga interesadong manilbihan, para mapanatili sa kaayusan at kapayaan sa bansa, na mag-apply na  sa kanilang tanggapan.

Aniya, ito ay para masolusyunan ang kakulangan ng kapulisan sa bansa at mas mapaigting ang pagsugpo sa mga nagaganap na krimen sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Speak Your Mind

*