Birthing Facility sa bayan ng Bani, binuksan

Pormal ng binuksan kahapon ang Birthing Facility ng Municipal Health Office o MHO ng bayan ng Bani, Pangasinan.

Sa harap ng aabot sa apatnaraang ng kababaihan at mga Barangay Official sa pagpapasinaya kahapon, hinikayat ni Bani Mayor Gwen Falafox Yamamoto na mga ito na tangkilikin ang nasabing pasilidad.

Mas makabubuti umano na sa bagong birthing facility manganak ang mga ina ng bayan ng Bani upang hindi na mahirapan pang dumayo sa ibang lugar.

Apela naman ni Mayor Yamamoto sa mga maitatalagang doctors at nurse na gawin at gampanan nila ang higit sa kanilang trabaho upang mas maraming mahihirap na pamilya ang kanilang matulungan.

Samantala, nakikipag-ugnayan na si Yamamoto sa DOH Region 1 para sa kanilang kahilingan na magkaroon ng sariling ambulansya na magagamit ng nasabing Municipal Health Office.

Speak Your Mind

*