Budget Sec. Butch Abad, pinagbibitiw sa puwesto ng Simbahang Katoliko

Pinagbibitiw sa posisyon ng isang obispo ng Simbahang Katolika si Budget and Management Sec. Florencio ‘butch’ abad.

Ito ayon kay Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani ay habang isinasagawa ang imbestigasyon kaugnay ng kontrobersyal na pork barrel scam.

Iginiit ni Bacani na dapat iwanan ni abad ang posisyon nito kung totoong wala siyang kasalanan sa pagkakasangkot sa anomalya.

Binigyang-diin ni Bacani na mahalaga ngayong ibalik ang tiwala ng taumbayan sa pamahalaan kaya’t dapat magbigay-daan si abad sa malinis na imbestigasyon.

Speak Your Mind

*