Business establishment ng Dagupan, patuloy na minomonitor ng PNP

Patuloy na isinusulong ng Philippine National Police o PNP Dagupan ng pagpapaigting ng siguridad sa mga business establishment sa lungsod bunsod ng naganap ng holdapan kamakailan.

Ayon kay Dagupan PNP Chief P/Supt. Christopher Abrahano, nais niyang magkaroon ng City Ordinance na mag-uutos sa mga business establishment na may puhunan isandaang libong piso pataas na magkabit ng CCTV camera.

Ganumpaman, patuloy parin naman ani Abrahano, ang isasagawang security inspection ng PNP sa mga establisyemento sa Business District ng Dagupan upang hindi na maulit ang anumang karahasan.

Umaasa naman ang Dagupan PNP na magkakaroon na ng magandang koordinasyon sa pagitan ng mga security guard at pulisya upang tuluyan ng maiwasan ang panloloob ng mga kawatan sa Dagupan.

Speak Your Mind

*