Cash grant ng mga 4Ps beneficiaries sa Aguilar, natanggap na

Natanggap na kahapon ang cash grant ng mga 4Ps o Pantawid Pamilya Pilipino Program Beneficiaries mula sa lokal na pamahalaan ng bayan ng Aguilar, Pangasinan.

Ayon kay Municipal Social Welfare and Development o MSWD Officer Josephine Tamayo, mahigit dalawang libong pamilya ang tumanggap ng cash grant kayat umaabot sa 5.5 milyong piso ang pondong inilaan ng lokal na pamahalaan dito.

Nilinaw naman ni Tamayo na ang perang natanggap ng mga 4P’s benefisciary ay dapat nakalaan lang sa pag-aaral ng mga bata at sa medical na pangangailangan ng mga ito.

Sa ngayon, wala pa naman umanong naitatalang problema sa mga 4P’s beneficiaries, pero paalala ni Tamayo na dapat laging nakukumpleto ng mga ito ang mga kakailanganing requirement upang hindi maputol ang mga natatanggap nilang cash grant.

Speak Your Mind

*