CHO Dagupan, Accredited Animal Bite and Treatment Center na ng DOH

Mas mapapalakas pa ang pagbibigay serbisyo publiko ng City Health Office o CHO Dagupan matapos bigyan ng Certificate of Quality Service ng National Rabbies Prevention Control Program at ng Department of Health para maging Accredited Animal Bite and Treatment Center.

Una rito, umaabot sa mahigit limangdaan ang nabakunahan kontra rabbies ng CHO Dagupan ngayon lamang taon.

Sa ngayon, ayon kay CHO Officer Dr. Leonard Carbonell, inaayos pa ang ilang bahagi ng tanggapan at pasilidad ngunit oras aniyang matapos na ang konstraksyon nito ay tuloy na ang operasyon ng animal bite and treatment center sa lungsod.

Sinabi pa ni Dr. Carbonell na asahan na magiging libre ang pagbibigay ng anti-rabbies sa mga posibleng magiging biktima ng kagat ng mga hayop.

Speak Your Mind

*