CHO Dagupan, nananatiling nakataas ang anti-dengue campaign,

Nananatiling nakataas ang anti-dengue campaign ng City Health Office dahil ang lungsod umano ng Dagupan ang entry at exit point area ng Pangasinan kaya’t maituturing na mataong lugar.

Ayon kay ang CHO Officer Dr. Leonard Carbonell, hindi masasabing ligtas ng Dagupan sa posibleng pagpasok ng dengue carrier dahil labas-masok ang mga sasakyang nagtutungo sa lungsod.

Dahil dito, patuloy ani Carbonell, ang kanilang pagpapaigting ng kampanya kontra dengue tulad ng pinaka-simpleng paraan ng paglilinis sa kapaligiran na posibleng pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng naturang sakit.

Kabilang din aniya rito ang pagpapalakas ng proteksyon tulad ng paggamit ng mosquito net, ov traps at pagsusuot ng mahabang damit.

Speak Your Mind

*