Climate Change Diseases, mahigpit na binabantayan ng DOH Region 1

Binabantayan ngayon ang mga climate changes diseases ng Department of Health o DOH Region 1 kabilang na ang mga waterborne disease tulad ng dengue, cholera, leptospirosis, malaria atbp.

Ito ayon kay Regional Health Education and Promotion Officer Dr. Bernabe Garcia ay dahil nagiging extreme ang kalagayan ang sakit ng mga ito sa panahon ng tag-ulan at tag-init.

Dagdag pa ni Garcia na hindi lang mga bata ang karamihan naaapektuhan ng sakit na dengue kundi pati narin ang mga matatanda, dahil sa climate change ay nagkakaroon ng mutation ang mga virus.

Ibig sabihin umano nito ay umaayon sa panahon ang pagbabago ng kakayahan ng mga virus na umaapekto sa mga pasyente.

Dagdag pa ni Garcia na ang kalinisan parin ang natatanging dipensa ng tao laban sa sakit tulad ng 4 o clock habit, personal hygene, pag-iwas sa mga bahaing lugar, at siguruhing malinis ang iniimun na tubig.

Speak Your Mind

*