Coast Guard Dagupan, nabigyan ng bagong aluminum boat, mabilis na serbisyo, ipinangako

Mas makapagbibigay na umano ng maganda at mabilis na serbisyo ang Philippine Coast Guard Sub-Station sa Pantal River, lungsod ng Dagupan matapos na mapagkalooban sila ng bagong aluminum boat.

Ayon sa Coast Guard, malaking tulong ito para sa kanilang operasyon kabilang na ang kanilang search and rescue operation, at pagbabantay sa karagatan.

Makakatulong narin umano sila sa pagbabantay sa mga motorize bangka na buma-byahe sa mga Island Barangay ng Dagupan na kalimitan nag o-over loading ng pasahero na delikado para sa kanilang kaligtasan.

Sa pamamagitan aniya ng bagong aluminum boat ay mas mabilis nilang mare-respondihan ang mga bangkero na lumalabag sa overcrowding, ganun din sa mga mangingisda na iligal na nagsasagawa ng pangingisda tulad ng paggamit ng dinamita.

Speak Your Mind

*