College of Law, bubuksan na sa siyam na campuses ng Pangasinan State University

Bubuksan na sa pagsisimula ng klase sa kolehiyo sa Hunyo a-disi sais, ang College of Law at isang programa sa Bachelor of Science in Biology, sa siyam na campuses ng Pangasinan State University.

Ito ang pahayag ni PSU President Victoriano Estera, sa regular session ng Sangguniang Panlalawigan, kung saan ito’y aprubado na ng PSU Board of Regents.

Ngunit sa unang taon ng PSU College of Law, ay pangangasiwaan muna ng Don Mariano Marcos State University (DMMSU) ng La Union, na tatlumpung taon nang nag-aalok ng kurso sa pagka-abogasya.

Samantala, sinabi ni Estera, na meron nang kabuuang mahigit dalawampu’t tatlong libong enrollees sa siyam na campuses ng PSU sa buong probinsya, kung saan ang pinakabatang campus nito sa alaminos ay nakapagtala ng mahigit dalawang libo  enrollees at sisimulan ng klase sa Hunyo a–disi sais.

Speak Your Mind

*