Congressman Bataoil, kinondina ang ginawang pagpatay kay Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong 

Kinondina ni dating PNP Regional Director at Pangasinan 2nd District Congressman Leopoldo Bataoil, ang pagpatay kay Urbiztondo Mayor Ernesto Balolong Jr, na nagtamo ng 17 tama ng bala ng baril.

Si Congressman Bataoil, ay agad na nagtungo sa lugar ilang oras mangyari ang krimen kung saan ang bayan ng Urbiztondo ay sakop ng kanyang distrito.

Sinabi ni Bataoil na agad siyang nagbigay ng rekomemdasyon na bumuo ng Task Force Balolong kina OIC Provincial Director Sterling Reymund Blanco at PNP Regional Director PS.Supt. Roman Felix.

Binigyang-diin ni Bataoil na dapat agad na maresolba ang ganitong krimen sa pamamagitan ng pinaigting na manhunt operation sa mga suspek.

Speak Your Mind

*